Bangkay ng kelot napulot sa Kyusi

NATAGPUAN ang bangkay ng isang lalaki sa tambakan ng basura sa southbound lane ng Commonwealth Avenue, Quezon City kaninang madaling araw.

Sa ulat sa radyo, inilarawan ang hindi pa kilalang bangkay na nakasuot ng asul na T-shirt, abuhing (gray) short pants at may mga tattoo sa likod.

Ayon pa sa ulat, posibleng binaril ang biktima base na rin sa tama o sugat na nakita sa batok nito.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply