Bangkay ng lalaki napulot sa beach resort

HINALANG napadpad lamang ng malakas na alon ang isang bangkay ng lalaki na natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lulutang-lutang sa isang beach resort na sakop ng Baloy Beach, Olongapo City.

Kinilala ang biktima na si Diego Valdez, nasa hustong gulang, matapos makilala ng ilang tagaroon.

Nabatid sa isang Henry Bulatao, empleyado ng Johan Beach Resort na siyang nakakita sa bangkay dakong 4:00 kahapon ng hapon sa karagatang sakop ng nasabing beach resort sa Olongapo City.

Matapos makatanggap ng report ang mga tauhan ng PCG sa Subic, agad na nagtungo sa lugar at iniahon ang bangkay, habang patuloy pa ang isinasagawang retrieval search operaton, upang mabatid kung may iba pang kasama si Valdez namatay sa malaking baha, dulot ng walang tigil na pag-ulan dahil sa Habagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply