Bangkay sa dram, kilala na

NAKILALA na ng mga pulis ang bangkay na natagpuan na nasa loob ng isang asul na dram sa isang sapa sa Riverside, Baclaran na sakop ng Barangay 4 ng kilalanin ito ng kanyang asawa.

Kinilala ang biktima na si Johnny de la Cruz, isang vendor na ayon sa asawa nito ay dalawang araw ng di umuuwi sa kanilang bahay.

Tadtad umano ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ng salvage victim ,at ayon sa mga imbestigador ,ito ay pinahirapan muna bagi tuluyang pinatay, tanda na rin ng mga pasa at sugat na tinamo nito.

Ayon sa Paranaque Police, masusi nilang iniimbestigahan ang karumal-dumal na pagpatay upang malaman ang motibo at matukoy ang mga posibleng lead sa ikadarakip ng mga salarin.

Hinala ng mga pulis na sa ibang lugar ginawa ang krimen, at sa lugar na pinagtapunan lamang dinala upang iligaw ang mga awtoridad sa kanilng imbestigasyon.

Planado umano, ayon pa rin sa mga imbestigador, ang nabanggit na krimen , at sobrang galit ang nagtulak sa mga salarin upang gawin ang ganitong uri ng pagpatay sa nasabing biktima.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply