Barangay tanod tinambangan, todas

TODAS ang isang Barangay Tanod matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay sakay ng patrol car kaninang madaling sa Bignay St., Potrero, Malabon City.

Dead on spot sa patrol tricycle si Arnold Lacbayo, 34, binata, at Brgy. Tanod saTinejeros sanhi ng tatlong tama ng bala ng baril ng kalibre 45 sa likuran, at sa kanang bahagi ng ulo.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin bitbit ang ginamit na baril.

Ayon sa ulat, dakong ala 1:00 ng madaling araw ng pagbabarilin ang biktima sa kahabaan ng kalye Bignay.

Nabatid kay Sr/Inp. Gregorio Catacutan, chief ng Station Investigation Divison (SIB) ng Malabon police, sakay ng tricycle patrol service ang biktima patungo sa Pagamutan Bayan ng Malabon.

Habang tinatahak nito ang lugar, bigla na lamang sumulpot ang hindi pa nakikilalang suspek at agad pinagbabaril sa likuran na ikinasawi agad ng biktima.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply