Barbero pinaghahanap sa pananaksak

INALIPUSTA na, pinagsasaksak pa ang isang kelot ng isang barbero habang ang una ay nakikipag-inuman sa Malabon City Linggo ng gabi, Agosto 19.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Rex Bolo, 32 ng Area 3, Longos ng lungsod.

Pinaghahanap naman si Angkin Liston, 41, barbero at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima sa kanilang lugar nang dumaan ang suspek sabay sabing “Huwag puro inom, bumili ka naman ng alak”.

Napikon ang biktima na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang una.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply