Barbers dapat isama sa line-up ng admin

DAPAT ikonsidera ng mga namumuno sa koalisyon ng Liberal Party (LP), Nacionalista Party (NP) at Nationalist Peoples Coalition (NPC) si dating Surigao del Norte Gov. Robert Ace Barbers na maisama sa kanilang senatorial line-up sa darating na 2013 election.

Ito’y matapos umangat ng todo-todo si Barbers sa pinakahuling isinagawang survey ng Pulse Asia na  kung saan pumasok na ang dating gobernador sa  top 20 gayung pang 40 ito sa survey ilang buwan na ang nakalilipas.

Kulang man sa resources si Barbers ay halatang epektib at mabilis ang pag-angat nito dahil ramdam ng mamamayan ang gi-nagawa nitong pag-iikot at konsultasyon sa buong bansa matapos lumabas na kasama na ito sa pangunahing 20 senatoriables sa pinakahuling survey na isinagawa ng Pulse Asia nitong bago magkata-pusan ng Hulyo.

Marami ang nagulat sa pagtaas ng ranking ni Barbers sa senatorial survey ng Pulse Asia dahil karamihan sa mga naglulutangang pangalan ng mga gustong pumasok sa 2013 senatorial election ay puro traditional politicians o trapo.

Hindi rin mapasusubalian na karamihan sa mga pumasok sa top 12 slots ng Pulse Asia survey ay todo na ang pagpapapogi sa media dahil karamihan na nga sa mga ito ay nag-hire na ng mga media operator para masustenihan ang kanilang kampanya gamit ang diaryo, radyo at telebisyon.

Maging sa social networking sites ay todo-todo na rin ang pagpa-papogi ng mga gustong maging senador at bumalik sa Senado dahil all systems go na rin ang taktika nila sa lahat ng pwedeng gamiting site para mapag-usapan ng publiko.

Pero kakaiba itong si Barbers dahil maganda nga ang itinanim ng kanyang ama na si dating senador at DILG boss Robert Barbers sa buong bansa na kanya namang ipinagpapatuloy ay talaga namang kahit payak ang kanyang sistema sa pag-iikot sa buong ‘Pinas ay nagmamarka naman ang kanyang pangalan.

May kasabihan nga tayo na kapag maganda ang itinanim ay tiyak na may aanihin at iyan ang nakikita natin kay Barbers dahil talaga namang tumatak sa madla ang kampanya ng kanyang ama na “laban sa krimen” habang siya naman ay isang naging magaling na tagapagsulong ng transparency at accountability sa pamahalaan noong siya ay gobernador at kongresista pa lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply