Barilan sa Basilan, 3 todas, 2 sugatan

TATLO ang patay habang dalawa naman ang sugatan nang magbarilan ang dalawang hindi nakikilalang armadong grupo ng kalalakihan sa Basilan nitong Linggo ng hapon (Agosto 5), ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sinabi ng NDRRMC na hindi pa nila matukoy kung sino-sinong grupo ang nasa likod ng malagim na insidente at maging ang mga pangalan ng mga biktimang namatay at nasugatan ay hindi rin nakuha pa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 5 nitong Linggo ng hapon na ilang metro lamang ang layo sa Philippine National Police Special Action Force detachment (PNP-SAF) sa Lamitan City.

Sa inisyal na ulat, bigla na lamang nagkaputukan sa lugar at nang matapos ay nakitang may lima ng kalalakihan ang nakabulagta sa kalsada.

Isinugod naman agad sa kalapit na ospital ang mga biktima na hindi pa rin malaman kung kasamahan ng nag-kabarilang grupo o baka mga sibilyan lamang na naipit sa barilan.

Ilang bilang ng armadong grupo ay nasa Basilan, kabilang ang al Qaeda-linked Abu Sayyaf at ang Moro Islamic Liberation Front (MILF).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply