Barista skills training libre sa Manila

MAS malaking pagkakataon ang iniumang ni Manila Mayor Alfredo S. Lim sa mga Manilenyo sa inilunsad na libreng training para sa mga nais mamasukan sa ibayong dagat partikular sa pagiging ‘barista’ at ‘masahista’.

Kanina ay pinasinayaan ang kauna-unahang  ‘Barista Skills Training Project’ na libre sa Metro Manila  sa pangunguna ni Lim.

Bukod pa ito sa  kasabay na paglulunsad  din ng `Therapeutic Massage Training Project’, kasama sina Manila Rep. Carlo Lopez (second district) at Manila department of social welfare chief Jay dela Fuente at   Enrique Naluz, Manila field director ng  Department of Labor and Employment (DOLE) na binasbasan ni Fr. Edrick Bedoral.

“Maganda ang ginagawa ninyo na mag-aral ng bagong karunungan kaysa mag-aksaya ng oras sa mga gimik at pagtambay.  Sa ganitong paraan, siguradong magbabago ang buhay ninyo para sa mabuti kaya sana ay mahalin ninyo kung anuman ang matutunan ninyo dito,” ani Lim sa trainees, na pagitan ng edad 18 at 30.

Ani Dela Fuente,  ang Manila Manpower Development Center (MMDC) sa Tondo , na pinatatakbo ng Manila City government ay matagal nang nagsagawa ng libreng training sa mga trabahong may kaugnayan sa hotel and restaurant services at ang pinakabago ay ang ‘therapy at `barista’.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply