Barker sa Tondo, todas sa pamamaril

PATAY agad ang isang barker matapos barilin ng hindi pa nakilalang suspek sa kahabaan ng Road 10 corner Moriones St. Tondo Manila kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Luis Vergel De Dios, 52, nakatira sa Barangay 540 Cabulusan 2, Caloocan City, isang barker sa Tondo.

Ayon kay SPO4 Paul Dennis Javier, Homicide Section, Manila Police District (MPD), alas-7:53 ng umaga, nagtatawag umano ng pasahero ang biktima nang biglang barilin ng suspek sa ulo gamit ang kalibre .45 na baril dahilan ng agarang pagkamatay ng biktima.

Nabatid na nakasuot ng sandong puti at pantalon ang suspek na tumakas matapos ang krimen.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaril.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply