Bata durog sa bulldozer

DUROG ang katawan ng isang bata nang maatrasan at magulungan ng bulldozer sa Malabon City kaninang tanghali, Agosto 18.

Dead on the spot si Christian Alejo, 12, ng Gov. Pascual Concepcion ng lungsod.

Nagtatakbo naman at nakatakas ang operator ng traktora na hindi pa nakikilala.

Sa ulat, dakong alas-12 ng tanghali, pinapatag ang lupa sa bagong tambak na palaisdaan sa Villongco cmpd., nang hindi napansin ng suspek ang bata na namumulot ng bakal upang maibenta.

Naatrasan at nagulungan ang biktima na naging dahilan ng kamatayan habang nagtatakbo naman ang hindi pa kilalang operator dahil sa takot na makuyog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply