Batang nalunod habang sinasagip, pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN na ng lokal na pamahalaan ng lungsod Quezon ang pagkamatay ng isang anim na taong gulang na batang lalaki na umano’y nahulog sa isang ‘life boat’ habang nasa kasagsagan ng rescue operation sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City noong Martes.

Kamakalawa lamang ng umaga lumutang ang naagnas ng bangkay ng anim na taong gulang na si Noel Carzon sa masukal at maputik na bahagi ng Comia St., Brgy. Bagong Silangan matapos tumaob ang sinasakyang lifeboat nito noong tanghali ng Aug. 7 habang isinasagawa ng barangay ang rescue operation.

Kinuwestyon ni DPOS/ Disaster Risk Reduction Mangement Council Action Officer Dr. Noel Lansang kung bakit hindi man lang ipinarating sa kanilang tanggapan ni Chairwoman Cresell Beltran ang tungkol sa insidente.

Aniya, minomonitor na nila mula noong nagsimula ang rescue operation sa nasabing lugar sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa barangay subalit ni minsan ay wala umanong binanggit si Beltran tungkol sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply