Batangas City madedelubyo

NANGANGANIB daw na tamaan ng delubyo ang Batangas City dahil sa walang humpay na iligal na operasyon ng minahan sa dalawang barangay rito.

Ang gold hunting sa Brgy. Sorosoro Itaas at Brgy. Sto. Domingo  ay labis na nakababahala, sumbong ng mga residente sa Chokepoint.

Isang kilala lamang sa pangalan na ‘Chua’ at ilang politiko sa Batangas ang itinuturong nagsasagawa ng iligal na pagmimina sa lugar.

Mahigit isang buwan na umanong isinasagawa ang pagmimina na bantay sarado pa ng mga kalalakihan na armado ng M-16 armalites.

Kapag ‘di mahinto ang  nasabing pagmimina, nanganganib, anila, na magkakabaha ng matindi  at  makararanas ang Batangas City ng delubyo.

Diyan pa rin sa Batangas, aba’y ginagawang pagkakitaan na rin ng mga bata ni S/Supt. Rosauro Acio at Supt. Nicolas Torre ang malawakang bentahan ng pirated CDs at DVD.

Paging OMB chairman Ronnie Rickets. Isang tauhan mo raw na nagngangalang ‘Bobby’  ang pasimuno pa ng bentahan ng mga piniratang produktong ito.

BOC SA NAIA TUMATRABAHO

Muling nakasabat ng ipinagbabawal na droga ang mga ahente ng Bureau of Customs diyan sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa operasyong ito, isang Nepal national ang nadiskubreng may dalang million worth ng droga ng mga bataan ni Senator, este, Comm. Ruffy Biazon.

Ilang araw lang ang naka-lilipas ay nasakote ng BOC agents ang isang Japanese national dahil sa paglabag sa money laundering law.

Sa ulat, itong si Nepal national na nakilala sa pangalan na Sun Bahadur ay tinangkang ipuslit sa bansa ang 1.874 kilo ng shabu.

Galing sa Bangkok at sa Pinas pa napiling ibenta at ikalat ang dala-dalang droga, pero siya’y nagkamali dahil siya’y nabuking ng mga alertong BOC agent.

Kaya lang sumablay siya sa  mala-police dog na pang-amoy  ng BOC personnel diyan sa NAIA, sa pakikipagtulungan sa mga ahente ng Philippine Drugs Enforcement Agency.

Dapat din pala nating i-congratulate ang mga ahente riyan ng BOC sa pamumuno ni TF-REACT head Byron Carbonell na siyang Assistant Chief sa legal and investigation.

Isama rin natin ang makikisig na sina Marlon Alameda, NAIA district commander at Ritchie Beldia ng Customs Police.

Mabuhay kayo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply