Batas sa fraternity sa kolehiyo at unibersidad ikakasa

KUMBINSIDO ang Malakanyang na kailangang ikasa ng bawat kolehiyo at unibersidad sa bansa ang batas laban sa fraternity hazing at sa mga lalabag nito.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na responsibilidad ng mga unibersidad at kolehiyo na pangalagaan ang kaligtasan ng kanilang mga estudyante lalo na sa usapin ng hazing.

“The law must be strictly implemented to protect students from fraternity hazing and violators must be brought to justice, “ ayon kay Sec. Lacierda sabay sabing “The law should be strictly implemented. The law should be upheld at all times. Those people who did the heinous act must be prosecuted. And if theyare apprehended, (they) should be prosecuted to the fullest extent of the law.”

Tugon ito ng Kalihim sa nangyaring pagkamatay ng isang freshman law student na si Mark Andrei Marcos ng San Beda College sa isang farm sa Dasmariñas City dahil sa fraternity hazing.

Sa ulat ng pulisya, si Marcos, 21 ay dinala sa De La Salle University Medical Center sa Dasmariñas City, dakong ala-10:30 ng gabi noong Linggo subalit inihayag na patay na.

May ilang grupo ang nagkondena sa paraan ng pagkamatay ni Marcos at tinawagan ng pansin ang mga awtoridad na bilisan ang imbestigasyon upang agad na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Marcos.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply