Batikos sa maagang pangangampanya, pinalagan ni Angara

INALMAHAN na ni Aurora Rep. Sonny Angara ang mga batikos sa diumano’y pamumulitika at maaga niyang pangangampanya sa panahon ng kalamidad.

Ipinaliwanag ni Angara na malabong pangangampanya ang pagsama niya kay Pangulong Aquino nang maglibot ito sa Metro Manila maging sa Tarlac upang mamigay ng mga relief goods sa mga sinalanta ng nagdaang habagat.

“We didn’t think of that as early campaigning. We were asked to help and we didn’t think twice. Between helping and staying, I chose to help. Most would have done the same,” ayon kay Angara.

Bukod kay Angara ay kasa-kasama rin ni Pangulong Aquino ang mga opisyal na nagdeklara na ng kanilang intensyong tumakbo sa pagka-senador gaya nina TESDA Director-General Joel Vilalanueva at dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros.

Binigyang diin pa ni Angara na ang mahalaga ay nakakatulong sila sa mga nangangailangan.

Naunang binatikos ng ilang lider ng simbahan si Pangulong Aquino dahil sa pagsasama ng kanyang mga kaalyado na tatakbong senador sa pamamahagi ng relief goods.

Giit ni Association of Major Religious Superior of the Philippines for men (AMRSPM) chairperson Fr. Marlon Lacal na hindi maikakailang maagang pangangampanya ang ginagawa ng Liberal Party dahil sa halip na gabinete ay mga kandidato ang kasa-kasama ng pangulo sa kanyang paglilibot.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply