Bea Binene, Jake Vargas love team, bagong pambato ng GMA7 sa daytime soap

NAIKUWENTO ni Kuya Germs (German Moreno) na may bagong solo soap ang mag-love team na sina Bea Binene at Jake Vargas. Niluluto ngayon ang soap opera sa dalawang tween stars na malamang daw makasama rin si Hiro Magalona bilang ka-triangle ng dalawa.

Balitang magiging pambala sa daytime drama sina Bea at Jake ng GMA Network. Kung matutuloy ang planong ito, puwedeng sa September ay mapanood na ang soap. Kasi, may tsika sa amin na hanggang August na lang magti-taping si Bea sa Luna Blanca. Susunod na sa kanila ni Barbie Forteza bilang magkapatid sina Heart Evangelista at Bianca King.

Anyway, masarap panoorin ang Luna Blanca dahil magkikita na muli ang magkapatid na sina Luna at Blanca. Nakita na rin nila ang kanilng amang si Raymart Santiago. Nakaaantig ang mga eksenang pagkikita nilang muli.

Going back to Bea and Jake, unbeatable love team talaga sila pagdating sa mall show. Dumagsa ang mga tao sa Robinsons Novaliches nang mag-mall show si Bea roon last Sunday para sa kanyang album na “Hey! It’s Me, Bea!”

Tatlong floor ng activity center ng mall ay siksikang nakinig ang kanyang mga fans na matiyagang nanood dahil aliw sila sa mga awiting pang-tweens ng star ng Luna Blanca na no.1 prime time show ngayon ng GMA 7.

Lalong nagkagulo ang fans nang ma-introduce ni Kuya Germs (German Moreno) ang ka-love team nitong si Jake Vargas. Sobrang patok sa fans ang dalawa. Kaya naman ang GMA7 ay may inihahandang bagong soap sa kanila.  Malamang ay daytime drama raw ito.

Sa mall tour pa rin, para masiyahan pa ang fans nina Bea at Jake, kinanta nila ang isang cut sa album nito na  Mahal Kita, Walang Iba!

Pinakilig ang fans nang pagkatapos ng kanta, hinalikan ni Jake si Bea sa noo.

Aba! Unang mall show palang ni Bea, mahigit sa tatlong daang album agad ang nabenta. Pumila pa ang mga fans ng young singer/actress para magpa-augtograph at magpa-picture sa tween star.

Bukod pa rito, mahal talaga ng tao si Bea dahil lagi itong may puso sa mga nangangailangan. Noong kasagsagagan ng baha sa Marikina, pumunta ito kasama ang Kapuso Foundation para mamigay ng relief goods. May dala rin siyang sariling packages para ipamigay sa mga nasalanta ng baha.

000

Kakaibang birthday celebration ang naghihintay kay Aga sa Camotes Island

PARA sa kanyang birthday celebration, dinala ng Pinoy Explorer Team si Aga Muhlach sa Camotes Island sa Cebu. Dito matutuklasan niAga ang kagandahan ng isla sa unang pagkakataon.

Sa darating na episode, isang araw na mamumuhay mag-isa si Aga. Ang tangi niyang maaasahan ay ang mga clue na iniwan ng Pinoy Explorer Team sa iba’t ibang bahagi ng isla. Ang mga clues na ito ang magtuturo sa kanya kung anu-ano ang mga dapat niyang gawin.

Sa kanyang pamamalagi sa isla, matututunan rin ni Aga na gumawa ng banig na higaan, mangingisda, at mamangka sa karagatan!
Mapapanood tuwing Sunday sa TV5 ang Pinoy Explorer ni Aga, 6:30pm.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply