Bebot dedo, 2 sugatan sa pamamaril sa Iloilo

PATAY ang isang babae habang dalawa ang sugatan sa naganap na barilan sa MH Del Pilar, Jaro, Iloilo City kaninang madaling araw.

Dead on arrival si Roselyn Calderon, 28, sa West Visayas State University Medical Center dahil sa tinamong tama sa dibdib.

Sugatan naman sina Vivian at Donie Espinosa ng Brgy. Dela Paz, Banate, Iloilo.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng okasyon sa bahay ng biktima kasama ang kanyang live-in partner na si Herman Lo y Domingo.

Kasabay ng kanilang pagdiriwang, ay may nagaganap ding kasiyahan sa bahay naman ng suspek na si Jesus Hermano nang biglang nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima na humantong sa pamamaril.

Nang mabaril ang biktima, gumanti sa pagpaputok ang live-in partner nito subalit hindi tinamaan ang suspek at sawimpalad na natamaan ang dalawang kaanak nito na nakatira sa kanyang bahay.

Kasalukuyan pang inaalam ang ugat ng pinag-awayan ng magkabilang panig ngunit may impormasyong may matagal nang alitan ang biktima at ang suspek.

Kalaboso naman ang suspek at live-in partner ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply