Bebot nagpasagasa sa LRT train

NAGPASAGASA sa LRT train ang isang di pa kilalang babae matapos itong tumalon at salubungin ang paparating na train kaninang umaga sa EDSA Station LRT1.

Nabatid sa ulat na ang insidente ay naganap dakong 5:55 ng umaga  ilang metro ang layo mula sa Baclaran station.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng Light Rail Transit Administration (LRTA), agad na itinigil l ang naturang tren sa tapat ng isang mall sa Pasay-EDSA at pinababa ang mga pasahero

Dahil dito, itinigil na rin ang operasyon ng LRT line 1 mula Baclaran hanggang Vito Cruz station at pabalik na biyahe nito.

Hindi naman naapektuhan ang biyahe ng LRT mula sa Vito Cruz station patungong Roosevelt station at pabalik nito.

Ayon kay Cabrera, tumalon ang naturang babae at sinalubong ang paparating na tren kaya’t nasagasaan ang ulo nito, dahilan ng agaran niyang pagkamatay.

Sa ngayon, inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan sa naturang biktima para mabatid ang motibo ng pagpapakamatay nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply