Bebot sinaksak ng BF na seloso

SUGATAN ang isang dalaga matapos saksakin ng kanyang nagselos na nobyo sa Barangay Camaman-an sa Cagayan de Oro City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Romelba Dayasan, 21, ng Claveria, Misamis Oriental.

Sinasabing nag-aaway ang biktima sa hindi pa malamang dahilan na nagresulta sa madugong insidente.

Naniniwala ang pulisya na posibleng selos ang motibo sa pananaksak ng suspek na si Ernesto Milado Tagucon, 39.

Nagtamo ang dalaga ng sugat sa kanyang hita, dibdib, likod at pribadong parte ng kanyang katawan.

Bagama’t nasa mabuti ng kalagayan ang biktima, patuloy pa rin itong ginagamot sa pribadong ospital sa nabanggit na lungsod.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply