Bebot walang saplot isinilid sa sako

WALANG saplot ang katawan ng isang babae na pinaniniwalaang pinagsamantalahan muna bago ito isinilid sa sako ang natagpuan sa isang iskinita sa Sta. Ana, kaninang madaling araw.

Ayon kay SPO2 Virgo Villareal, imbestigador ng Manila Police District Homicide Section, nahihirapan silang ilarawan ang biktima dahil may limang araw na itong patay at nasa state of decomposition na ang bangkay.

Nabatid na dakong ala 1:00 ng madaling araw nang madiskubre ang isang sako na kulay dilaw sa isang iskinita sa bahagi ng Dagohoy Street sa Sta. Ana, Maynila.

Hinihinalang biktima rin ito ng salvage kung saan bago ito isinilid at itinapon ay nagawa pang pagsamantalan ng mga salarin dahil wala itong saplot sa katawan

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply