Bentahan ng bangkay (2)

IPAGPATULOY natin ang pagtalakay sa pagbili at pagbebenta ng mga bangkay ni Rodrigo “Rody” Cruz na may-ari ng Funeraria Cruz sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila.

Isang buwan umanong  hindi nakakuha ng patay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang Funeraria Cruz dahil sa pagbebenta nito ng bangkay sa mga medical school hindi lang sa Luzon kundi hanggang sa Cebu at General Santos City.

Ngayon, balik muli sila sa pagkuha ng bangkay sa nasabing pagamutan. Ang dahilan? Kayo na ang bahalang mag-isip dahil pareho tiyak ang ating iniisip.

Malaki rin ang epekto sa Funeraria Cruz at St. Rafael ang nangyaring pagkakahuli sa mga tauhan nito na nagbebenta ng bangkay dahil nahirapan si Rocel Cruz na makumbinsi
umano ang Emilio Aguinaldo College na bumili sa kanilang bangkay.

Ayaw  na umano ng pamunuan ng paaralan na masabit ang kanilang pangalan sa iligal na gawaing pagbebenta ng bangkay ng mag-ama.

Ayon sa source ng Lily’s Files, kinausap at pilit umanong  isinasara ni Rocel ang usapan ng bentahan ng bangkay sa San Beda College na mayroon na rin umanong medical school.

Ilang pamilya na rin ang nagreklamo dahil ibang bangkay ang naibibigay  sa kanila kasi nga ay naibenta na ni Rocel ang bangkay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Meron pa ngang pangyayari na bangkay ng isang lalaki mula sa Quiapo, Maynila ang hinabol pa sa Baguio City dahil naibenta ito sa isang eskuwelahan doon.

Mas okay kasi para kay Rocel at Rody ang magben-ta ng bangkay dahil nakukuha ito nang P30,000 hang-gang P60,000 bawat isa. Noong 2010 nga nakapagbenta sila ng halos P800,000 na halaga ng bangkay sa Cebu lamang.

Kailan kikilos ang DOH at ilan pang tanggapan ng pamahalaan upang matigil ang bentahan ng bangkay? Kapag kamag-anak na nila siguro ang nabiktima.

Bukas po ang Lily’s files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa  0915-5683000 at 0908-7230036 o kaya ay mag email lang sa … lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply