Bentahan ng bangkay

DEDMA lang sa isang punerarya ang pagkakahuli sa kanila ng isang unit ng Philippine National Police (PNP)  dahil sa pagbebenta ng bangkay at parang  balewala lang sa pamilya ng may-DEDMA lang sa isang punerarya ang pagkakahuli sa kanila ng isang unit ng Philippine National Police (PNP)  dahil sa pagbebenta ng bangkay at parang  balewala lang sa pamilya ng may-ari ng bangkay ang nangyari kung kaya’t  tuloy-tuloy pa rin ang iligal na gawain ng punerarya.

May ilang buwan na rin ang nakalipas nang arestuhin ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office ang ilang tauhan ng Funeraria Cruz, na nasa Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Maynila na pag-aari ng isang  Rodrigo “Rody” Cruz, kabilang ang pamangkin nito dahil sa pagbebenta ng bangkay sa nagpanggap na medical student na reporter ng  TV5.

Dahil magaling ang opisyal ng Manila Police District (MPD) na nagsisilbing adviser nitong si Cruz, ay pinalabas na ninakaw ng pamangkin nito ang ibinentang bangkay kaya naman nang isampa ang kaso sa piskalya ay na-RFI ito  o referred for further investigation.

Ang lalong nakatatawa rito ay lumabas  pa na complainant si Cruz laban sa kanyang pamangkin na umano’y nagnakaw ng bangkay.

Kawawa ang pamangkin dahil halata namang  palabas lang o moro-moro lang ang nangyari kung kaya  tinanggal nga ni Cruz ang kanyang pamangkin sa Funeraria Cruz, pero inilipat lang naman ito sa St. Yvan Funeral, na  nasa Adriatico St., Malate na pag-aari ng kanyang anak na si Rocel Cruz.

Sinasabing napakarami umanong  bangkay  ang  nakaimbak sa swimming pool sa morgue ng Funeraria Cruz na nasa may Severino Reyes na pinaglalagakan din ng mga nakaimbak na bangkay na    nakukuha ng St. Rafael sa Congressional, Quezon City, St. Yvan, St. Patrick sa Tondo, Maynila  at St. Justin sa Caloocan City.

Alam umano ito ng  Department of Health (DOH) at Manila Health and Sanitation office, subalit dedma lang ang mga ito dahil kaibigan sila ng mga may-ari.

Posibleng may cash-unduan sila kaya naman hindi sila nagpupunta sa lugar upang mag-inspeksyon subalit nagpupunta sila sa mga sikat na kainan dahil sa imbitasyon ni Rodrigo “Rody” Cruz.

Isang buwan umanong  hindi nakakuha ng patay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang Funeraria Cruz dahil sa pagbebenta nito ng bangkay sa mga medical school hindi lang sa Luzon kundi hanggang sa Cebu at General Santos City. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply