Biazon: Crisis committee buuin sa Maguindanao

IMINUNGKAHI ngayon ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, chairman ng House Committee on Defense, na bumuo ng isang crisis committee upang humarap sa isyu ng hostage-taking na nagaganap sa Maguindanao.
Ayon sa ulat, ang hostage-taking ay pinangungunahan diumano ng grupo ng notoryus na leader ng Bangsamoro Freedom Fighters na si Umbra Kato.

Giit ni Biazon, hindi na dapat pang hintayin ng pamahalaan na kumalat o lumaki ang problema.

Giit ni Biazon na makabubuting walang local officials ang isama sa crisis committee kungdi pawang mga miembro ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Binigyang diin ni Biazon na isang seryosong hamon sa gobyerno ang paghahasik ng mga rebelde sa Mindanao, na dapat solusyunan “wisely, cautiosly at determinedly” pero may pag-iingat.

“This is a serious challenge to the government,” giit ni Biazon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply