Biazon flavor of the month ni PNoy

ARAW at gabi ay puro trabaho ang ginagawa ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon kaya naman high score o very satisfactory ang rating niya para kay Pangulong Benigno Aquino III.

Dahil sa walang pagod niyang pagpapatulo ng pawis upang masuklian ang isinusuweldo sa kanya ng pamahalaan ay isa na namang malaking accomplishment ang kanyang natisod sa BoC.

Siyempre, hindi ito magiging posible kung wala ang matitino at matitiyaga niyang tauhan sa nasabing ahensiya. Umaabot lang naman sa P500 milyon ang halaga ng sako-sakong smuggled rice mula sa India ang nasabat ng mga ahente ng BoC sa Subic Freeport.

Hindi lang nakumpiska ang mga bigas subalit ang magandang nangyari ay natalupan pa ang sindikatong nagiging daan upang malugi ang gobyerno ng milyon-milyong halaga na dapat sana ay pinakikinabangan ng pamahalaan.

Kilala na nga ang puno ng sindikato kung kaya naman tahimik ngayon ang mga “patong” sa BoC dahil alam nilang hindi sila sasantuhin ni Biazon sa kanyang kampanya laban sa smuggling. Kaya naman alumpihit na ang smugglers dahil alam nilang pader ang kanilang binabangga kapag nagtuloy ang kanilang iligal.

Bunga nito, hindi lang ang Malakanyang ngayon ang bumibilib sa abilidad sa pamumuno ni Biazon kundi maging ang mga dating kasamahan ng kanyang ama sa Senado ay naniniwala sa kanyang kakayahan na patakbuhin at pamahalaan ang BoC.

Malaki ang suporta ni Biazon sa tuloy-tuloy na laban ni PNoy sa mga kurakot at tiwali sa gobyerno. At isa siya sa sumusunod sa “tuwid na daan” ng Pangulo. Kaya nga mataas na grado ang ibinigay ng Palasyo kay Biazon sa pagsusumikap nito na huwag makapagpalusot ang smugglers ng kanilang mga kargamento na magiging malaking kawalan sa kaban ng bayan.

Ipinakikita ni Biazon na walang sinasanto ang kanyang tanggapan kapag usaping smuggling ang pag-uusapan.

Bukod sa binabati si Biazon ng kanyang mga tauhan, ng Malakanyang at Senado, saludo rin ang mga ito sa kan-yang ginagawang patuloy na pagtatrabaho at hindi paglaki ng ulo sa
mga papuring ibinibigay sa kanya.

Dalangin ng mga tauhan at mga dating kasama ni Bia-zon na sana ay ipagpatuloy niya ang pananatiling nakatapak sa lupa upang sa gayon ay magtuloy-tuloy ang tagumpay niya sa kanyang karera.

Isang taos pusong pakikiramay ang ipinaaabot sa pamilya ni Jason ng Quezon City prosecutor’s office dahil sa pagkamatay ng kanyang ama noong nakaraang linggo.

Salamat naman kina Odette Ramos at Joe Bigay, kapwa ng National Bureau of Investigation- Quality Control Division.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply