Bidding para sa NAIA Terminal 3 hanggang August 23

INIHAYAG ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na itinakda na sa August 23 ang huling araw para sa pagsusumite ng bid para sa P212.3 milyon Terminal 3 structural retrofit project ng Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Secretary Mar Roxas, hanggang alas-12:00 ng hapon na lamang ang pagtanggap ng selyadong bid ng mga interesadong kompanya sa tanggapan ng MIAA Bids and Awards Committee.

“Prospective bidders have up to 12:00 noon of August 23 to submit their bids, including eligibility requirements,” ani Roxas.

Sinabi pa ni Roxas na layunin ng proyekto na magkaroon ng maayos, abot-kaya, maasahan, epektibo at ligtas na air transport.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply