Bidding sa PCOS machines isasapubliko

BUKAS sa publiko ang isasagawang bidding para sa PCOS machine na gagamitin sa 2013 elections.

Ito ay alinsunod na rin sa Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act.

Ayon sa Comelec, sisimulan na ng Special Bids and Awards Committee (SBAC) ng Commission on Elections (Comelec) ang pre-bidding para sa delivery, supply at configuration ng 15,000 transmission modems para sa Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines.

Ipapaubaya naman ng SBAC sa mga bidders na makapagsagawa ng non-bidding at non-certificatory testing compatibility ng kanilang produkto sa PCOS bago magsumite ng bids.

Kasama na ang lahat ng taxes ay umabot naman sa kabuuang halaga na P154,576,800.00 ang nasabing kontrata.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply