BIFF vs AFP pangdiskaril

NADISMAYA ang mga residente ng 2nd district ng Maguindanao makaraang maudlot ang kanilang “pwasa” (fasting) dahil sa biglaang pag-atake ng mga pwersa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa mga detachment ng Philippine Army nitong Linggo Hulyo 5, 2012.

Humigit-kumulang sa limandaang tauhani ni Ustadz Ombra Kato, lider ng BIFF, ang lumusob sa mga Army detachment sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Shariff Aguak at Ampatuan na naging dahilan ng pagkamatay ng apat na sundalo.

Ayon sa ulat, mahigit isang libong pamilya ang nagsilikas sa iba’t ibang eskwelahan sa apat na bayan dahilan para magsagawa ng relief operations ang DSWD-ARMM at pinangunahan ni OIC Regional Governor Mujiv Hataman ang pamamahagi ng tulong, kasama ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pamunuan mismo ng regional governor ang pagpunta sa mga lugar na may kaguluhang militar na nagaganap, ayon kay MGeneral Rey Ardo, 6ID commander, na may sakop sa mga lugar na may kaguluhan.

Pero bakit kaya biglang-bigla ay sumiklab ang away?

Ayon kay OPAPP Sec. Ging Deles, marahil ito ay may tangkang guluhin ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at ng GPH subalit hindi kayang tibagin ang pundasyon na itinayo ng magkabilang panig.

Sa isang banda, may mga itinuturong utak ng kaguluhan na nag-udyok umano sa BIFF na manggulo para sa kanilang pansariling interes, pagbibigay riin ng isang opisyal ng military na ayaw magpabanggit ng pangalan.

“Kilala namin ang mga taong nasa likod ng kilos-militar ng BIFF,” ayon sa opisyal.

Nakaaawa ang kalagayan ng mga taong nabiktima ng kaguluhan kaya’t sana ay mabigyan ng linaw kung paano iresolba ang usapin sa loob ng ARMM dahil ito ay nagdudulot ng masalimuot na kalagayang panlipunan ng mga tao.

Ang alam ko, si PNoy ay may kakayahan na ayusin ang ganitong mga bagay lalo pa’t may mga tao siyang pinagkakatiwalaan na baguhin ang mga maling sistema sa ARMM.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply