Bigat ng Habagat

MABUHAY ang muling pag-sinag ng araw! Kung san man kayo nakatira sana’y wala ng baha para tayo’y makabalik na sa paaralan at opisina.

Ilang buhay ang kinitil. Ilang lugar at lalawigan sa Luzon ang under state of calamity.  Ilang araw suspendido ang klase at maging ang trabaho nung Miyerkules. Ang Lagusnilad sa may Manila City Hall ay nagmistulang swimming pool at ang isang bahagi ng NLEX, dagat. Maging ang presidential chopper in PNoy ay napilitang lumapag bigla sa SCTEX kahapon, Biyernes dahil sa sama ng panahon. Ang ibang mga lintik na politiko naman ay nagsamantalang mangampanya gamit ang mga canned goods na ang tatak ay mukha at pangalan na nila. Tsk tsk.

Lunes pa lamang ng gabi ako’y nag-aalala na dahil sa walang tigil na pag-ulan mula pa ng tanghali. Hindi naman binabaha sa lugar namin ngunit may mga kaibigan ako at higit sa lahat mga kamag-anak sa Pasig at sa iba pang lugar na noong bagyong Ondoy ay teribleng binaha ang kanilang lugar, ang bahay pinasok ng tubig na halos umabot na sa kisame.

Agosto 8, Miyerkules ay natuluyan na nga sa paglikas ang aking mga kamag-anak mula sa Riverside Subdivision at buti na lang ay may isa pa silang tirahan sa ‘di kalayuang De Castro Subdivision kung saan ay may ikalawang palapag ang kanilang bahay doon. Kasabay ng paglikas nila ay ang kaarawan din ng aking tiyahin. Tsk tsk. Pero ‘di napigil ng paglikas ang kasiyahan niya noong araw na iyon. Sabi nga nila, THE FILIPINO SPIRIT IS WATER PROOF. Isa pang katibayan nito ay pati mga preso sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa ay hindi kumain ng kanilang tanghalian noong Martes o Miyerkules para ito’y maipamahagi sa mga lubos na nangangailangan.

Personal kong nasaksihan ang mga biktima ng Ondoy halos 3-taon na ang nakakaraan noong kaming magkakaibigan mula sa motoring press ay nagsama-sama upang bumuo ng isang volunteer action group na magdadala ng mga relief goods sa evacuation centers gamit ang mga sasakyang hiniram namin sa mga kaibigang car manufacturer.

Muli naming binuo ang grupo nitong Martes at nagsimula kaming umaksyon nung Miyerkules. Salamat ng marami sa Columbian Autocar Corporation sa kanilang pagpahiram ng Kia K2700 na aking isinabak sa baha sa Buendia Avenue para kumuha ng mga donasyon. Salamat rin sa mag-asawang Steve at Jenny Burns, Jenkins Mesina, Arlene Nonato, Mae Paner a.k.a. Juana Change, Bb. Girlie Rodis, at sa Binalot branches sa Paranaque, Eastwood Cybermall, at The Loop sa ABS-CBN. At syempre, ang mga miyembro ng aming grupong G1.PH na sila Dong Magsajo, Ian Ardiente, Ira Panganiban, Tina Mendiola, at si James Deakin at Ardie Lopez na hanggang ngayon ay patuloy pang kumikilos upang tumulong sa iba’t ibang lugar.  Mabuhay kayo!

*****

Belated Happy Birthday sa aking tiyahin na si Sonia Calaranan at Maligayang Bati ngayon kay Sherlyn Co ng Suzuki Philippines!

*****

Ang 4th Philippine International Motor Show ay magbubukas sa Huwebes Agosto 16-19 sa World Trade Center, Pasay City. Magkita-kita po tayo doon.

*****

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny Cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply