Bigay-pugay kay Robredo sa Maynila

NAGBIGAY galang ang mga etudyante, pulis at mga kawani sa mga dinaanang ahensiya o business establishment sa funeral convoy ng yumaong si Interior and Local Government Secretary  Jesse “Pogi” Robredo sa Lungsod ng Maynila.

Galing sa Villamor Airbase, tinahak ng funeral convoy ang  NAIA Road-Roxas Boulevard-Padre Burgos St.-Finance Road-Ayala Boulevard-Ayala Bridge-Solano St.  papasok ng palasyo ng Malakanyang para sa state funeral ng kalihim.

Sa Padre Burgos ay nakaposisyon ang 5 mobile ng Manila police District habang sa kahabaan naman ng Roxas Boulevard ay nagtipon ang mga trak ng bumbero.

Iba’t ibang style ng pagsaludo ang ipinakita ng mga sumalubong sa convoy ng kalihim gaya ng sabay-sabay  na pagwangwang at pagsaludo ng mga tauhan ng Manila Police Traffc Bureau, Highway Patrol Group at ang tropa ng mga bumbero na nagsagawa ng water salute.

Nagsidungaw naman sa mga bintana ng kanilang mga tanggapan ang mga kawani mula sa pribado at pampublikong tanggapan sa pagdaan ng convoy ng dating kalihim.

Pagsapit naman ng naturang convoy sa kahabaan ng  Finance Road patungo sa Malakanyang, ay winagayway ng daan-daang estudyante mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ( PLM); Technological University of the Philippines ( TUP) at  Philippine Normal University ang mga kulay yellow green na bandila habang nakasaludo ang mga miyembro ng MPD.

Tatlong helicopter din ang paikut-ikot sa hindi-kataasan sa himpapawid na nagbubuhos ng kulay dilaw na confetti hanggang tuluyan nang makapasok sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon sa MPD, alas-singko y media sa Linggo, Agosto  26, ay muling bibiyahe pabalik ng Naga City ang labi ng yumaong kalihim para sa paghahatid sa kanyang huling hantungan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply