Bigtime na babaeng ‘tulak’ laglag sa PDEA

ISANG kilabot na babaeng bigtime na tulak ng iligal na droga ang nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang nasa aktong binebentahan ang isang poseur buyer sa isinagawang buy bust sa Misamis Oriental noong August 11, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nahuling suspek na si Mercy Sebial, 46, ng Block 20, Lot 35, Vamenta Subdivision, Sitio Barra, Barangay Opol, Misamis Oriental, sinasabing kabilang sa talaan ng PDEA Provincial Order of Battle

Bukod sa inilakong shabu, nakuhanan pa si Sebial ng karagdagang 17 sachet ng shabu at drug paraphernalias ng mga tauhan ni Dir. Roberto Opena ng PDEA Regional Office 10 (PDEA RO10).

Ani Gutierrez , matagal na nilang sinusubaybayan si Sebial dahil sa pagbebenta ng shabu sa kanilang lugar.

Nasa kustodiya na ng PDEA RO10 si Sebial, nahaharap sa patong-patong na

kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng  Republic Act 9165.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply