Biktima ng baha sa NCR, libre ang pagpapagamot – DOH

HINIMOK ng Department of Health (DOH) ang mga pamilyang kasalukuyang nasa evacuation centers at mga biktima ng pagbaha na magtungo sa mga government hospitals at facilities kung may mga kaanak silang may karamdaman at nangangailangan ng tulong medikal.

Ayon kay Department of Health (DOH) Center for Health Development – National Capital Region (CHD-NCR) Regional Director Eduardo Janairo, nagkakaloob ng libreng medical treatment para sa mga flood water victims ang lahat ng government hospitals at mga health facilities sa Metro Manila.

“We are encouraging the people in evacuation centers to bring immediately those who are in need of medical treatment to the nearest government hospital in their area for proper treatment and care,” ani Janairo.

“Let us not be complacent, if someone has a fever, seek medical help as soon as possible so that proper medicine will be provided and the illness will not be spread among other evacuees. Because of overcrowding in some evacuation centers, transmission of diseases is likely to occur if not prevented immediately,” dagdag pa ni Janairo.

Sinabi pa ng health official na babalikatin ng DOH ang mga gastusin ng mga ito sa pagpapagamot bilang bahagi ng “Kalusugang Pangkalahatan” Program ni Health Secretary Enrique Ona.

Magkakaloob rin umano sila ng iba’t ibang gamot sa mga pasyente tulad ng paracetamol, amoxicillin, cotrimoxazole, lagundi, sambong at leptospirosis capsules o doxycycline capsules.

Ang mga buntis naman at mga bata na wala pang walong taong gulang, ay bibigyan ng ampicillin capsule na may 500mg dosage sa halip na doxycyline capsule.

“Let us help prevent the spread of diseases and avert possible transmissions. Seek early consultation and treatment. Prevention is the still the best cure,” ayon pa kay Janairo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply