Biktima ng leptospirosis umakyat na sa 2,213

INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 2,213 ang bilang ng mga tinamaan ng leptospirosis sa bansa.

Ito’y dulot na rin nang tuluy-tuloy na pag-ulan at pagbaha na naranasan ng Metro Manila at karatig lalawigan nitong nakalipas na ilang araw.

Sa tala ng DOH, simula Enero 1 hanggang Hulyo 28 ng taong kasalukuyan ay umabot na sa 2,213 ang bilang ng mga tinamaan ng leptospirosis sa bansa.

Ayon sa DOH, ito’y mas mataas ng 87.23% o 1,182 kaso noong nakalipas na taon sa kaparehong panahon.

Nabatid na mas marami rin ang naitalang nasawi dahil sa sakit ngayong taon na umabot sa 106 habang 105 lamang ang nasawi noong 2011.

Ang pinakamaraming kaso ng leptospirosis ay naitala sa Region 10 na umabot sa 908 na sinundan naman ng Region 6 na nakapagtala ng 429 cases, sumunod ang National Capital Region (NCR) na may 141 cases, Region 3 na may 132 cases, Region 2 na may 129 cases at Region 11 na may 100 kaso.

Ang Region 6 naman ang nakapagtala ng may pinaka-maraming nasawi na umabot sa 32, sinundan ng NCR na may 16 nang nasawi habang siyam naman ang nasawi sa Regions 2, 5, at 10.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply