Biktima ng mail fraud schemes, lumolobo

SA kabila ng babala na ipinalabas ng Bureau of Customs (BOC), tumataas pa rin ang bilang ng mga biktima ng mail fraud schemes na ang ilan sa mga nagkakasa nito ay nagpapanggap na mga customs officers at ginagamit ang ‘postal service’ o internet para makakolekta ng pera sa kanilang bibiktimahin.

Sinabi ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na patuloy na nakatatangap ang kanyang tanggapan ng reklamo mula sa mga indibidwal na nakatatanggap ng notices mula sa umano’y customs officials na nagsasabing ang kanilang parcels ay hindi nila makukuha hangga’t hindi nila binabayaran ang  money transfer services.

“The Bureau of Customs never sends letters of notice about packages from abroad and duties to be paid to individuals as it is only the Postal Service Office (PSO) that sends out the notices,” pahayag ni Biazon.

Iginiit ni Biazon na ang responsibilidad ng BOC ay i-assess ang halaga at kumolekta ng bayad para sa dutiable goods na ipinadala sa pamamagitan ng postal service ng bansa.

“Should there be payments for duties and taxes, its payee shall be the Bureau of Customs and not somebody else,” dagdag pa nito.

Dahil dito, pinayuhan ni Biazon ang publiko na i-report sa BOC, ang National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang police authorities ang anumang suspicious unsolicited communication o email messages na kanilang maaring masalubong.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply