Bilibid director, at iba pa kinasuhan sa Ombudsman

NAHAHARAP sa mga kasong kriminal at administratibo ang matataas na opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor), matapos sampahan ng reklamo sa Ombudsman hinggil sa mga anomalya sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sa reklamo na isinampa ni Kabungsuan Makilala, isang prison guard na dating miyembro ng Bids and Awards Committee ng National Bilibid Prisons, inakusahan nito si NBP Director Gaudencio Pangilinan, si Venancio Santidad, consultant at chief of staff, Alfredo Benitez, chairman ng bids and awards committee, Larry Haro , secretariat ng BAC, Ligaya Dador, hepe ng accounting division  at mga opisyal ng limang pribadong contractor sa paglabag ng government procurement law , graft, Article 208 ng revised penal code at government workers code of conduct at ethical standards.

Ayon kay Makilala, ang mga nabanggit na opisyal ng NBP ay nagsabwatan sa contract splitting upang di na dumaan ang mga kontrata sa public bidding na inuutos ng batas sa mga proyekto na magkakahalaga ng P500,000 pataas .

Sinabi ni Makilala na ang rehabilitasyon ng NBP administration building nuong Enero na nagkakahalaga ng P1.4 milyon at hinati-hati sa apat na kontrata upang lumiit ang value procurement at di na magkaroon ng public bidding.

Kasalukuyan ngayong isinailalim si Makilala sa witness protection program ng DOJ.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply