Binahang bahay binalikan: Mag-iina nalunod

RIZAL- Hindi na muling makakapiling ng kanilang padre de pamilya ang isang ginang at dalawa nilang paslit na anak matapos tangayin ang mga ito ng rumaragasang tubig habang tumatawid sa creek pabalik sa kanilang binahang bahay kagabi sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City chief of Police P/Supt. Rodino Elfa ang mga biktima na sina Michelle Demafiles, 26-anyos, Veronica Mae, 5-anyos at John Henricks, 1-anyos, pawang residente ng Phase 2, SKB Homes, Sitio Tanza 2, Brgy. San Jose ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi habang pauwi ang mga biktima sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Ayon sa ulat, nang tumaas ang tubig sa lugar ng mag-anak na Demafiles ay napilitan ang mga itong magsilikas at pansamantalang manuluyan sa isang kamag-anak.

Nang tumigil na ang ulan at sa pag-aakalang humupa na ang baha ay nagpasya ang ginang na umuwi dala ang dalawang maliliit na anak. Hindi naman malaman kung nasaan ang mister nito nang mangyari ang insidente.

Ngunit habang pabalik sa kanilang tirahan ay muling bumuhos ang ulan. Sa kabila nito, tinangka umano ng ginang na tawirin ang ilog upang makarating sa kanilang bahay at hindi nito napuna ang pagragasa ng flashflood.

Animo’y mga papel na hinigop ng tubig ang mag-iina na nagkawatak-watak.

Unang natagpuan si Veronica na wala nang buhay ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng insidente habang sa ‘di kalayuan ay ang sanggol na si John Henricks at sa bayan naman ng Teresa natagpuan ang wala na ring buhay na ina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply