Binata biktima ng salvage

POSIBLENG sinakal bago isinilid sa sako ang bangkay ng isang binata na hinihinalang biktima ng salvage nang matagpuan ito kaninang madaling araw sa tapat ng isang supermarket sa Tondo, Maynila.

Inilarawan ang biktima na may edad sa pagitan ng 20-22 anyos, nakasuot ng kulay gray na short at may tattoo na Caloy sa kanang paa.

Sa report ni SPO1 Charles John Duran ng Manila Police District (MPD) homicide section, dakong 3:30 ng madaling araw nang natagpuang patay ang biktima sa harapan ng Puregold sa Tayuman, Tondo.

Ayon kay Duran, nakatanggap sila ng tawag mula sa MP-Station 7 hinggil sa umano’y natagpuang patay na nakasilid sa isang sako sa nasabing lugar.

Nang buksan ng mga operatiba ng MPD homicide ang nasabing sako ay lumantad sa kanila ang katawan ng biktima na may bakas na sugat sa kanyang leeg na hinihinalang binigti.

May bakas din ng dugo na lumabas mula sa ilong ng biktima at matigas na ang katawan na pinaniniwalaang ilang araw na itong patay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply