Binata kulong sa pangungulimbat

KULONG ang isang binata nang pasukin at pagnakawan ng mga kalan ang liaison officer ng Caloocan City Hall sa kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Jimson Montes, 19 ng Area D, Camarin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw, nagising ang biktimang si Cezar Roco, 59 nang makarinig ng mga kaluskus sa kanilang kusina sa Caimito st., Camarin.

Nang puntahan ay nakita ng biktima ang suspek na isinasako ang rice cooker at single burner stove subalit nang makita ang una ng huli ay naglabas ng sumpak sabay tutok kay Roco.

Walang nagawa ang biktima at hinayaan na lang ang suspek na makatakas dala ang mga nakulimbat.

Nang makaalis ang suspek ay humingi ng tulong sa mga pulis biktima at pinuntahan sa bahay ang una at dinakip kung saan nakuha ang sumpak habang wala na ang mga natangay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply