Binata natagpuang patay sa kalsada

INAALAM na ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng isang binata na nakitang nakasubsob sa kalsada sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Jassie Gabay, 24 ng Phase 3, Dagat-dagatan ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-5:50 ng madaling araw nang makitang patay ang biktima sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, wala namang palatandaan na pinatay ang biktima ngunit kinukumpirma pa kung ano ang kinamatay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply