Binatang nalunod natagpuan na ng PCG

NATAGPUAN ng mga frogmen ng Philippine Coast Guard kaninang umaga ang  nawawalang bangkay ng isang binata matapos itong malunod sa kasagsagan ng lakas ng ulan sabay high tide dulot ng bagyong si Gener.

Si Jerome Orian 19, binata ng Merville Subdivision Dampalit ng nasabing lungsod.

Nabatid ganap na alas 4:00 kamakalawa ng hapon August 2, ng mahulog at nilamon ng tubig baha ang biktima at sa tulong ng mga frogmen ng Philippine Coast Guard natagpuan ang bangkay ni Jerome sa ilalim ng putikan sa nasabing ilog.

Bago maganap ang insidente, nakipag-inuman ang biktima hanging magpasyang umuwi  sa kabila ng kasagsagan ng ulan at high tide dulot ng bagyong si Gener.

Habang naglalakad, nahulog ang biktima sa ilog na tuloy tuloy na nilamon ng malakas na agos ng tubig.

Sa tulong ng coast guard magdamag na ginalugad ang nasabing ilog subalit kanina lang umaga ito natagpuan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply