Binatilyo todas sa riding-in tandem

TODAS ang isang 16 anyos na binatilyo nang agawan ito ng motorsiklo at barilin ng riding-in-tandem sa Sampaloc, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Philippine General Hospital ang biktimang si Lawrence Paul Madurong.

Ayon sa Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente sa may Maceda Street sa Sampaloc, Maynila kung saan dinikitan ng mga suspek ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pilit umanong inaagaw ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima na may plakang  5559 PS ngunit tumanggi ang binatilyo na ibigay ang kanyang motorsiklo.

Bunsod nito, nagalit ang isa sa suspek at agad na binaril ng dalawang beses sa tiyan ang biktima.

Nang bumagsak ang biktima sa semento ay agad na tumakas ang mga suspek patungo sa di malamang direksyon.

Isinugod naman ang biktima sa PGH ngunit binawian din ito ng buhay.

Inaalam naman ng pulisya kung may CCTV sa lugar upang makita kung sino ang mga suspek sa pamamaril.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply