Binay, nanawagan ng panalangin para kay Sec. Robredo

NANAWAGAN sa publiko si Vice President Jejomar Binay na mag-alay ng panalangin para kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo para buhay na matagpuan ang kalihim.

Sinabi ni Binay na balisa ang pamilya Robredo dahil sa hindi pa rin natatagpuan ang kalihim sa kabila ng haba ng oras na iginugugol sa search and rescue operations.

Ayon pa kay Binay, mainam na isama sa dasal sa Panginoon na makayanan at malampasan ng pamilya Robredo ang kanilang pinagdaraanan.

Samantala, itutuloy ngayong Lunes ang operasyon at sisirin ng divers ang lalim na 250 hanggang 300 talampakan sa pag-asang matatagpuan ang eroplano.

Patuloy ang tulungan ng ilang ahensya ng gobyerno sa operasyon sa pamumuno na rin ng Philippine Air Force (PAF) , Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon pa kay Transportation Secretary Mar Roxas, patuloy ang koordinasyon ng mga naturang ahensya para galugarin ang pattern grid na tinatayang may habang limang kilometro hanggang dalawang kilometrong lapad at umaabot hanggang 300 talampakan ang lalim.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply