Binay o Lacson sa DILG post – Enrile

KUNG papipiliin umano si Senate President Juan Ponce Enrile ng bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), isa kina senador Panfilo Lacson at Vice President Jejomar Binay ang kanyang pipiliin.

Ginawa ng senador ang kanyang pahayag matapos lumabas ang mga pangalan nina Transportation and Communication Secretary Mar Roxas, Rep. Joseph Emilio Abaya, Lacson at Binay na siyang papalit sa namayapang si DILG Secretary Jesse Robredo.

Ayon kay Enrile, bukod sa pagiging senador ni Lacson, naging hepe din ito ng Philippine National Police (PNP), kaya pamilyar na ito, hindi lang sa mga batas at kondisyon ng bansa, kundi maging sa national politics at problema ng mga lokal lider.

Dagdag pa ng senador, well-suited din umano sa nasabing puwesto si Binay dahil sa karanasan nito bilang bise presidente at dating alkalde ng Makati City.

Sinabi pa ni Enrile, ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo sa susunod na DILG secretary ang mahalaga at hindi ang political affiliation ng taong mahihirang sa posisyon.

Ayon pa sa senador, para rin umanong konduktor ng banda ng musika ang pagiging kalihim ng DILG dahil sa parehong politika at law enforcement ito kaya dapat may kasanayan at kakayanan sa mga ito ang ipapalit kay Robredo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply