Biyahe ng fast craft sa Cebu, kanselado kay ‘Helen’

KANSELADO na ang biyahe ng mga fast craft mula Cebu City patungong Leyte at Bohol dahil sa malakas na alon na epekto ng bagyong “Helen.”

Ayon sa pahayag ni Cebu Coast Guard Commander Rolando Punzalan ang travel ban sa mga fast craft ay ipinatupad simula pa alas-3:45 kahapon ng hapon hanggang ngayong Agosto 15.

Ang kautusan ng Coast Guard ay nakaapekto rin sa mga pasahero patungo sa Dumaguete City dahil sa fast craft na may stop over sa Tagbilaran, Bohol.

Ngunit nilinaw ni Punzalan na hindi naman apektado ng travel ban ang biyahe ng mga conventional at malalaking barko mula sa Cebu City patungo sa iba’t ibang destinasyon sa Visayas at Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply