Biyahe sa dagat sinuspinde dahil kay ‘Helen’

SINUSPINDE ng Philippine Coast Guard (PCG) ang biyahe ng mga sasakyang pandagat na patungo sa mga lalawigan na apektado ng bagyong Helen.

Ito ay dahil na rin sa patuloy paglakas ng nasabing bagyo kung saan isa ng tropical storm habang tinatahak ang Northern Luzon.

Ayon sa PCG, pinigil muna ang paglalayag ng anomang uri ng sasakyang pandagat upang makaiwas sa anomang kapahamakan sa karagatan.

Nabatid sa PAGASA, taglay ng bagyo ang lakas na hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at kumikilos pahilaga sa bilis na 9 na kilometro bawat oras.

Partikular na maapektuhan ng bagyong Helen ang mga lalawigan ng Batanes, Isabela, kalinga, Apayao,Cagayan, kasama na ang Babuyan at Calayan group of Islands, na mga isinailalim sa storm signal No. 1.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply