Biyahe ng PNR kanselado; LRT, MRT tuloy

NAGKANSELA ng lahat ng biyahe ng Philippine National Railways (PNR) trains ngayong araw, kabilang ang patungo sa Bicol dahil sa mataas na tubig baha sa mga dinadaanang riles nito.

Ayon sa PNR, nailigtas na rin at inilikas na sa PNR Tutuban Station ang mga pasahero na nakasakay sa tren nang ma-stranded ito sa P. Margal Street.

Sinabi naman ng PNR na nasa tren pa ang mga crew at agad magbabalik ang operasyon sakaling bumaba ang tubig baha.

Samantala, tuloy naman ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) sa araw na ito.

Inihayag ito ni LRTA spokesman Hernando Cabrera, sa kabila ng walang humpay na pagbuhos ng ulan.

Sinabi ni Cabrera na hinding-hindi sila magsususpinde ng kanilang operasyon kaya tuloy ang biyahe ng dalawang mass transport system.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply