Biyahe ng PNR kanselado ngayong umaga

KINASENSALA ngayon umaga ng Philippine National railways (PNR) ang biyahe ng kanilang mga tren dahil marami pa ring lugar ang lubog sa baha.

Ayon sa PNR, ang pagkansela ng biyahe ng mga tren ay dahil maraming mga riles ng tren pa rin ang lubog sa baha.

Kaugnay nito, iaanunsiyo naman mamayang tanghali kung may biyahe na mamayang hapon.

“Sections of railroad tracks are still underwater. All commuter trips cancelled this morning. Afternoon trips to be announced before noon”, ayon sa anunsyo sa kanilang Twitter account ngayong umaga.

Kahapon ay kinansela din ang biyahe ng tren ng PNR kabilang na ang biyahe ng probinsya at magreresume sana ngayong araw ngunit kinansela din ng pamunuan nito dahil hindi pa humupa ang baha sa ilang riles sa ilang mga lugar.

Anumang oras anila na bumaba na ang tubig baha sa mga riles ay puwede nang bumiyahe ang mga tren ng PNR.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply