Biyahe ng PNR kanselado pa rin dahil tubig baha

KANSELADO pa rin hanggang ngayon ang biyahe ng mga tren ng Philippine National Railways (PNR) dahil sa lubog pa rin sa tubig baha ang mga daraanang riles nito.

Sa pahayag ng PNR, nagsasagawa rin ng explorer trip ang kanilang Engineering Department upang malaman kung maari at ligtas nang daanan ang mga riles mamayang hapon.

Bagamat kanselado ang operasyon ng tren sa Metro Manila, tuloy naman ang operasyon ng Bicol Commuter Service o ang biyaheng Naga-Sipocot.

Simula pa kahapon, kinansela ng PNR ang kanilang biyahe patungong Bicol upang hindi malagay sa panganib ang mga commuter na tumatangkilik sa tren.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply