Biyuda utas sa gahasa

PATAY ang isang biyuda nang bugbugin ng dalawang lalaki saka ginahasa sa Cabalaoangan Norte, Rosales, Pangasinan

Kinilala ang biktima na si Lilia Garcia, 58,  natagpuang wala nang buhay sa isang kubo sa nasabing lalawigan.

Lumalabas na galing sa inuman si Garcia kasama sina Edmundo Pinquihan at Manuel Mariano.

Nang malasing ay inihatid ng dalawa ang biktima pero pagsapit sa talahiban ay tinangka nila itong gahasain pero nanlaban ang babae.

Dahil dito, binugbog muna ng dalawa si Garcia bago niluray.

Pinabulaanan naman ni Pinquihan ang krimen at sinabing nobya nya si Garcia.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply