‘Blue Eagles dinagit ang Tams’

SA fourth quarter ibinuka ng Ateneo Blue Eagles ang kanilang pakpak upang hablutin ang 74-71 panalo kontra mahigpit na katunggaling Far Eastern University Tamaraws sa nagaganap na ng 75th UAAP men’s basketball tournament sa Big Dome, kahapon.

Angat ng 10 puntos sa half time ang FEU, 37-27 subalit tinapyasan ito sa apat ng defending champion Ateneo, 53-49 papasok ng final canto.

Patuloy ang panunuwag ng Tamaraws subalit sa huling tatlong minuto ng labanan ay winagayway na ng Blue Eagles ang kanilang bagwis upang ilista ang 6-1 win-loss slate at manatiling nasa unahan ng team standings sa first round elimination.

Laglag sa third spot ang last year’s runner-up FEU na may 5-2 panalo-talo karta habang ang UST Growling Tigers ay solo sa pangalawang puwesto, 5-1) kung saan ay habang isinusulat ang istoryang ito ay kinakalmot nito ang Adamson U Falcons.

Sinandalan ni Ateneo coach Norman Black si 7-foot-0 Greg Slaughter na tumikada ng 17 puntos habang sina reigning rookie-of-the-year awardee Kiefer Ravena at Juami Tiongson ay bumakas ng tig 12 points para panatiling malakas ang tsansa nilang sungkitin ang panglimang sunod na kampeonato.

Si RR Garcia ang nanguna sa opnesa para sa Tams na may 21 pts. habang si Anthony Hargrove ay may 12 points at 10 at tig-10 sina Terrence Romeo at Arvie Bringas.

Sa unang sultada kahapon ay tumagos ang pana ng De La Salle U Green Archers sa host National University Bulldogs, 87-86 matapos ang dalawang overtime period.

Magkasalo sa fourth to fifth spot ang Archers at Bulldogs na may 4-3 karta.

Samantala, kung mananalo ang Tigers ngayong hapon ay makakasalo nito ang Blue Eagles sa liderato.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply