‘Blue Eagles hahatakin ng Tamaraws pababa’

MAGLALAGLAGAN sa top spot ang defending champion Ateneo Blue Eagles at Far Eastern University Tamaraws upang tapusin ang kanilang first round games sa nagaganap na 75th UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum  bukas ng hapon.

Parehong hawak ng Blue Eagles at last year’s runner-up Tamaraws ang 5-1 panalo-talo karta kung saan ay kasama rin nila sa unahan ang paumentong University of Sto. Tomas Growling Tigers.

Sasandalan ni Ateneo coach Norman Black sina 7-foot-0 Greg Slaughter at last year’s rookie of the year Kiefer Ravena habang kina RR Garcia at former player of the week Terrence Romeo kukuha ng lakas ang Tamaraws.

Nakatakda ang pagtutuos ng Blue Eagles at Tamaraws sa alas 4 ng hapon pagkatapos ng National U Bulldogs at De La Dalle U Green Archers match.

Sa Linggo naman tatapusin ng Tigers ang kanilang kampanya sa unang ikot kontra Adamson U Falcons na kinuhanan ng UE Red Warriors ng kanilang unang panalo.

Samantala, tanging ang UP Fighting Maroons na lamang ang hindi pa nakakatikim ng panalo sa matapos ang anim na laro.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply