Blue moon masisilayan mamayang gabi

MASISILAYAN mamayang gabi ang second full moon o tinaguriang “blue moon” para ngayong buwan ng Agosto.

Ang taguring blue moon ay ginagamit bilang paglalarawan na bihirang mangyari ito.

Pinawi rin ng PAGASA Astronomical Division ang pangamba ng publiko sa mga naglalabasang paniniwala na nagbabadya na naman ng trahedya ang blue moon dahil wala umano itong katotohanan.

Ang tanging epekto lamang umano nito ay ang karaniwang high tide at wala itong dalang anomang panganib.

Masusundan ang blue moon sa taong 2015.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply